Sunday, June 19, 2011

Dynasty saga, Fan? or Addict?

Dynasty Saga, a new war-themed strategy MMO, after two years of natty crafting by Shanghai Xinyun Network Technology, finally unveils itself online. A grounder-breaker in concept and design, the game no longer confines players to the grueling routine of “building guilds and collecting items”. Instead, it flings war-thirsty gamer right into ancient massive warfare that involves mind-boggling blood-shed and everything else.

...wait! before i continue this, sasabihin ko ulit kung bakit ko ito naisipang gawing bagong blog ngayon itong DS na ito. So, pag nakita ito ng aking bestfriend, Sasabihin nanaman niya,"hanggang blog ba naman clah yan pa rin nasa utak mo... laro" Aruuuyyyy, "Ouch" in english. hehehehe. Actually, naglalaro ako ngayon neto, since, wala na akong rallies para i-continue yung wei kingdom stage (last 3 enemies na lang no) naligo ako, at nakaisip ng isusulat dito sa blog na ito.. Sana naman, pag natapos ko na ito ay may 2 rallies na ako kahit papaano, since it is nearly to reset na. Hahaha!

SO, lets begin, Actually, this is my first online game to play.. Meaning RPG,strategy game,browser game.

Since, nakabili ako ng pc nung december, at nilagay ko ang pc na ito sa aking kwarto, i am comfortable to surfing the net,do blogs, play and play games. So... i got bored when playing FB games (restaurant city,pet society, crime city, hotel city, and etc.) LAN dota, at ang walang kamatayang "Plants vs.Zombies" hihihi :D SO, since my brother also using this PC (mabait kasi ako) he is the one who introduce me this game, sabi ko: "Anu to koramgame, eh parang TKO rin to,angboring" (pero nilaro at gumawa ng account)

"kirii" is the name I used in that game. (wala lang,cute ung spelling,and try lang naman) then at the game interface (city page) i said "yay,panu to,what will I do next?" Since,may tutorial naman, ako naman si sunod ng sunod, sige, follow his instructions. Do missions/Quests, etc. etc. hanggang sa makita ko yung "join or create a legion mission" then ngjoin ako sa PhP legion, since, nakita ko ung nakasulat sa description na, filipino sila, blah blah, so ako, sabi ko, wow, donate agad ako ng 1k, para my kulay yung name ko sa legion. Sabi sakin ni Holmes (Php legion commander) "Hahaha nice kirii, actually, yung 4 accounts dito akin din,pinagdonate ko lang para sa legion, so ibig sabihin, 2nd ka sa ranking dito sa legion" eh di ako naman si tuwa, noob pa kasi ako sa game, edi todo doante ako lagi, pag may umaagaw ng color orange kong name, mgddonate agad ako, hahahah kaya bumagal ako sa game, dahil imbis na pang enhace at pang upgrade, naubos sa kaka-donate. PEro okay lang yun, di naman tumagal yun.

Level 40 na ako (weak lvl 30 kung ikukumpara), at si Holmes ay level 50. Naunahan na nila ako, sabi ko, haynako, nagiging madalas na ang paglalaro ko nito, Nag-Oojt kasi ako nun,sobrang busy sa work at school, nakakapagod.Imagine,may time pa para maglaro??!! Syempre! Para-paraan. I can do a Multitasking work!! (......Whaaaaaatttt??tama ba, check ko nag!) Sa umaga,bago umalis, chine-check ko lagi ung account ko. Habang tumatagal, bumagal lalo ako,dahil, diba nga, bago lang ako, at walang kamuang muang sa laro na yun, hindi ko alam sinong generals ba ang gagamitin ko.. At heto, ito lang ang ikinatampo ko sakanya, hindi niya ako tinuruan at gnuide mabuti, so, nagbasa basa nalang ako sa forums,nagtingin tingin ng mga battle reports. Mangyayari din na, magiging magaling ako sa larong eto at magiging malakas. Self-study ba. >.<

....Hmmmm... Teka nga at naalala ko maraming nambubully sa akin noon sa aming kingdom. Inaagaw farm/mines and subjects ko everyday. SAbi ko grrrrrrrrrrrr... Humnda kayo next time, hindi niyo na ako maagawan. Pero ipinagdadasal ko talaga nuon na, sana maubos grains niyo at silvers, as in ubos!! HAHAHAHA! (angsama) :P

...Dahil mahilig akong magbasa ng forum, one day, it was february or march I think I saw the event for girls in DS. Every girls who will post their pics will get 308 gold. So sabi ko: "wow, nice naman 308 gold, sana manalo ako, kailangan ko ng gold for upgrading assistant. Eh di, nag-post ako" Sa totoo lang ha, hanggang ngayung JUNE eh Level 3 pa rin assistant ko at angdaming gold na ang dumaan sa akin, di ko parin ma-upgrade! Pero okay lang, bagong version naman ang DS ngayun. Nakakapag-merge ako ng items by using manual scouting only. BACK TO THE TOPIC OF THIS PARAGRAPH, Actually, some of my legion mates lang ang nakakalam na babae ako. Nung una nga, nung hiningi ni holmes FB ko for FB group, eh nagulat siya, na babae ako, sabi niya, "how come a girl find interest to this game", blah blah blah, angdami pa niyang sinabi, hehehe ako naman sabi ko:"nakakagulat ba un, eh marami akong friends na girls na naglalaro din ng Ol games at very addict pa". (wooot!!!)

...Paano nalaman ng buong kingdom na babae ako??

Ezrazlin shouted at the world channel, saying something so annoying, sabi ko, hey wag niyong patulan babae yan, e di nanghingi sila ng proof, bakit ko alam, edi binigay ko ung link ng photo niya sa DS dun about sa event. Malay ko bang, titignan pa nila lahat ng babae dun,sabagay, mga lalaki, maghahanap ng mga chicks, at ayun, hayyyy... nakita ang picture ko.. Naging magulo ang kingdom dahil dun. Magulo meaning nagulat. Akalain mong babae pala si kirii. sabi ko sa sarili ko: "Wew, eh anu naman? naglalaro lang naman ako huhuhuh" Ayun,since si EZ ay nasa justice legion that time, sabi nya "pag-alis niya sa umaga hanggang pagbalik niya sa gabi ay ako parin daw topic" Pm dun pm dito na di ko kilala, zzzzzzzzzzzz... Hindi ko na lang pinansin, ganun pala sa laro, pag may babaeng naglalaro ng mga ganung games eh, natutuwa sila. Isa lang ang lagi kong ka-chat pag naglalaro ako, si "xiahouyuan" (ang laging nangunguha ng farm at mine ko T_T) hindi ko na ikkwento dito kung sino sya, sa ibang blog na lang siguro, ang masasabi ko lang, special siya sa akin.. Itinuturing ko na ding 2nd account ko si XY (kung anung busy ko sa account ko, ganun din sa account niya) since iniwan na niya ang DS for almost 2 months until now.

...Hmmm, teka, nasan na ba ako.. Ayun!! so alam na nila, at hanggang sa alam na din ng ibang kingdom, bahala sila.. basta ako masayng naglalaro. SO ayun, Since cute na armies ko at mahal na mahal ko si Liao Hua. Naisipan ko na siya ang magiging forever general ko. Siya ang tanging gagamitin ko para ipasa ang Taiping stage! Hmmmm......Good luck!! :P Anyways, Holmes decided to quit the game, since angbabagal daw namin sa campaign dahil siya ay nasa level 100 region na. Iniwan niya ang commander post sa akin, hindi ko alam ang gagawin noon, as in, hindi ako malakas, bakit ako ang magiging commander, tapos baby pa ako sa game, hindi ko talaga alam. Pero, habang tumatagal, ginawa ko na lang kung anu ang laging ginagawa ni holmes, For me, A good leader must be a good follower and example, so I set new rules of our legion. and talagang nagpalakas ako para sa kanila. Kahit papano naging malakas din ako ,at hindi na nila ako nabubully. WAHAHAHA. Pero para sa akin, hindi pa rin sapat yun. hehehe. I want to be stronger.. kahit sinasabi nila na malakas na daw, sabi ko, "hindi kaya, kung malakas, bakit moko natalo?!" HAHAHAHA. peace..

Nang matapos ako s aking OJT bandang March, lalo akong naging focus sa larong ito, yun bang, bago pumasok hanggang sa paguwi, laro lang, tapos yung pagkain nakalimutan, napagalitan tuloy ni mama, then napupuyat na sa laro. Sabi pa ni mama, "Oh, wag mong kalimutan yung elecctricity bill at plan mo sa katapusan ah. Daig mo pa computer shop kung magbukas." Oh, mahal ko si mama, ayaw kong nagagalit, hehehe. Ayoko rin ng napapgalitan. HAHA and HA!!!! Tapos, one day, naasar ako kasi nagkaroon ako ng 3 pimples. Sabi ko "pagod na nga sa work, puyat pa dahil sa game." As in, so kahit may party o gala, sasabihin ko sa mga friends ko na, "uyy uuwi na ako may game pa kami eh", sabi nila, "badminton ba?" sabi ko, "hindi. DS, mine wars ngayon eh. Sayang silvers! hahahah" zzzzzzz natatatawa na lang sila, pati ako. hehehehe! Eto pa, Pag pupunta ako sa school, at 1 hour lang itatagal ko, hindi ko na pinapatay ang pc ko,para pagbalik, derecho laro, diba?? HAHAHAHA!!! (evil laugh) XD Pero hindi rin naman talaga ako mahilig gumala. Lalabas lang ako ng bahay, pag may sched training, pasok sa school, birthdays or importanteng lakad.

..Well, one time, May nagadd sa akin na di ko kilala, sabi niya, siya daw si "crazyian" sabi ko,patay enemy,pano niya nalaman fb ko, (well seryoso ksi ako baka kasi spy) hahaha at bakit ako inaadd neto" inaaccept ko, sabi ko:"bakit moko inaadd??" sabi nya, "wala lang, ikaw ba si kirii" wala lang daw, makikipagkaibigan lang daw. Actually, niyaya pa nga akong sumali sa s8 para maglaro sa legion nila, kaso that time, 3 servers na nilalaro ko, asar naman kasi si cryptmaker, yung prize kong 308 gold sa s4 pwede i-claim, pero di nagtagal, huminto na din ako sa s4 at s7, para sa s8. La lang tnry lang. Kaso ayun, Quit playing din sa s8. gawa nung s9. 2 servers na lang kasi kaya kong laruin. Kasi may pina-pilot pa akong isang account. Ayun, oh diba.. Angdaming servers. Hmmmmmmmmm... ayun nga, hanggang sa, pati si "kaichou" inaadd ako, tapos sila XionSumin, KingJed, Amidamaro etc. etc. etc! sabi ko, "aba,palakas ng palakas ng-aadd sakin , baka mamaya, sila kongMing na magadd ha, lokohan na ito." Pero. Mababait naman sila,harmless, Just for playing only hehehehe. Ehem!! San ka pa, close na kami nila kaichou, Xionsumin, pero don't worry, magkalaban parin kami sa s3. HOHOHOHO XD

WAHAHAHA!! ako na ang madaming server na nilaro dito sa DS.. s3, s4, s5, s7, s8 and s9, tapos may bago pa na s10. Pero s3 at s9 na lang nilalaro ko. (kapagod kaya) HAHAHA "buti alam mo" sabi ng mga friends ko.. Sabi nung iba, turuan ko daw sila, actually, may mga naturuan naman ako, sabi nga nila thanks to u mentor. HIndi naman ako mentor, i just shared my experience here in DS. Since, dahil dito nagkaroon ako na maraming friends all over the world, pati karamay at kausap meron din. Hehehehe. Dito rin naibuhos ang buong araw ng buong summer. Eto pa, anghilig kong magreply sa forum ng koramgame. Bakit?? wala lang, wala akong magawa, gusto ko lang din magbasa ng mga threads nila.. Baka kasi may malaman ako. Mahilig kasi akong magbasa sa mga forums... Hehehehe..

Errrrrrrrr..... Minsan, naiinis din ako sa sobrang lag ng game na ito... di ko alam kung PC ko ba ang naglalag or yung server. Kasi naman, always loading, loading, huhuhuhu sometimes, i cant join Legion war, Mine wars so hard to extract when its lagging, then when youre entering world, region, city interface, it is so......................... errrrrrrrrrrrrrrrrr... >.< ayan pati araw ko badtrip. HAHAHA.

HAHAHAHAHA ulit!! Alam ko yung ibang tao na makakbasa nito, hindi makaka-relate, sasabihin "adik sa laro, ano nakukuha kaya nito imbis na mgfocus sa totoong buhay, eh nag-aadik dito" Yung magccomment man dito ay ayusin niyo, okay. wag kayog panira ng blog. heheheh peace... just kidding. Well to answer that.. "yes, why not focus in my true life and find work instead spending my whole day playing this?" aba pakelam nyo ba, eh gusto ko eh. hehehehe. WELL!!! lahat tayo may kanya kanyang buhay. Sa akin , naglalaro lang ako para maalis ang boredom ko. Hindi lang naman laro ang ginagawa ko, kung alam niyo lang super busy din akong tao. Kaliwa't kanan may ginagawa, Open lang ung game sakin, pero standby lang sya. Naghahanap din ako ng work ngayon, nagaayos ng requirements, nagttraining at marai pang iba.. Nakahiligan ko na lang talaga maglaro. Kung yung ibang tao nga eh, ngddownload ng movie maghapon sa kani-kanilang pc magdamag,well ako din. Pag may work na siguro ako, less time to play, maybe paguwi na lang. Marami na rin kasi ang ngquit sa laro, boring na daw sila, at gusto ng ibang games, or busy sa kani-kanilang mga buhay. WELL.. para sa akin, past time yan. ^_^

Pero syempre "I love this game" hindi naman ako mawawalan ng time dito. Sabi ko nga: "If you treat something as a PASSION, not an obligation, you will never get tired of it.." right? isn't it? just play..

Nga pala....... Ulit. 'Di ba nga JUST PLAYING THE GAME, WAG SERYOSOHIN. Para sakin, you are playing this game to enhance your strategy prowess. Meaning, magiisip ka ng strategy din pano ka magiging malakas para maipasa yung mga campaigns at ganun din sa PVP. bakit yung iba, kaylangan pang magmura at ulit ulitin yun nang nababasa pa ng buong server, hindi ba sila naiilang na hindi lang sila yung taong nandun. Ang akin lang, dont make yourself annoying to the others especially kung nakakahiya ka na, kung para sayo eh hindi at tuwang tuwa ka pa. Sasabihing malakas ka, pero talo ka naman sa iba. Wag ganun, mahiya ka sa legion mates mo, dala dala mo pa yung name ng legion nyo at kingdom niyo. "JUST PLAYING" again. WE have some rules. Sabihin na nating malaya ka sa gusto mo, pero sana have limits. Wag pikon, halatang pinagtatanggol mo sarili mo sa sarili mo ring kalokohan. BE friendly. Stop taunting and teasing others.

LAST!!!!

ang masasabi ko ay, hindi lang lalake ang kaylangan maglaro ng ganun, kaya din ng babae maging malakas tulad niyo. HAHAHA!! Adik na kung adik.. Diehard fan na kung diehard fan. Im just playing. Try mo din. Hehehehe.

Haynako, may s9 nga pala ako, WU ELITE LEGION, baka sakaling maisipan niyong sumali, IGN: Empress, kaso ang weak ko pa dun. Rush leveling kasi. :D the mas focus kasi ako sa s3, hindi ko masyadong nalalaro yung s9. May dahilan kasi kung bakit naglaro ako sa s9. At hindi ko ata pwedeng iwan. "Yaaaaaaayyyyyyy"

Ayun, sobrang haba na naman. Hanggang dito na lang ulit. Hindi ko na naman namalayang naging nobela na naman ito. Basta ako, masaya ako dahil may ganitong game ang koramgame. Very impressive.

....YES..Dinner time!! Pasensya na at mahaba ito, dahil sadyang madaldal ako.. hehehehe..mahilig talaga akong mgkwento ng aking ginagawa. Anu kaya ang susunod kong gagawin? Friends, Salamat sa inyong pagbisita at paglaan ng oras dito, kung meron man.. Salamat in filipino, Arigato in japanese, thank you in english! GOD Bless..

anyway you can find some BR here
about my general composition. Well.. i am not that strong, since that is my first time to play.
If you want to try this game. please click here..
And you can join our PHP Legion in s3 Sword breaker.
We also have FB group, apply in our legion and join our Fb group. ^_^
click here >>> PHP legion FB GROUP
We will provide you the best guidance.. Because we are helping each others progress in our legion.
Thank you so much friends.. More stories will be posted soon.


White Lady ♥

No comments:

Post a Comment