Monday, January 02, 2012

God Bless 2012!

Ayun oh, 2012 na, ayan na! Sinasabi nila na magugunaw na raw ang mundo! Eh hello, Hindi hahayaan ni God na sirain nya ang sarili nyang creation, basata manalig lang tayo at amgtiwala. Pangalagaan natin and kanyang nilikha, dahil ito'y para sa atin. Maraming pangyayari na ang ating nakikita at nararamdaman. Natural na yun sa mundo, dahil din naman ito sa ating kagagawan. Tayo ay magtulungan na lang upang mas maging maayos ang ating buhay.

Sa pagpasok ng taong ito, Binigyan naman agad ako ng problema. Hahaha. At hanggang ngayon ako ay hindi matahimik. Pero ok na yun sa akin, at least, habang maaga pa ay nasabi at naipahiwatig ko na ang dapat kong ipaalam. Para hindi na ako mabaliw at mawala sa tamang pag iisip. LOL! Sa pagpasok na rin ng taong ito ay bagong buhay na kung saan ay tutuparin ko na ang ipinangako ko sa sarili ko, at umpisahing matupad ang aking mga pangarap. I admit I have a great ambition. Pero, hindi ko rin masasabi kung hanggang saan at kug gaano nga ka-great iyon. LOL Ang tanging masasabi ko na lang ay sana suportahan ako ni papa God at ng aking mga minamahal sa buhay para may lakas ako ng loob tuparin iyon. Dahil hindi lamang yun para sa akin, kundi para sa kanila din.

Ang tanging hiling ko para sa taong ito ay:
1. Sana maging better Lady na ako, kasi last year sabi ko good girl. So ngayun, ibahin natin.
2. Magigng mas mapagbigay na ako, lalo na sa kapatid ko, kahit na minsan gusto ko na syang sakalin pag naiinis ako sa kanya. Kasi mas madrama at matampuhin pa yun kaysa sa akin.
3. Magkakaroon ako ng maayos na work this 2012! Yung food related na!
4. Sana lahat ng mga taong mahal ko ay maging masaya. Yung mga mahal ko sa buhay, iisa lang naman ang lagi kong hiling, eh yung maging ok sila at walang mangyayaring masama sa kanila.
5. At ang huli, Sana hindi nga magunaw muna ang mundo. Please lang. Hahaha.

Wala naman akong hiihiling na materyal na bagay. Kung may dumating man, edi salamat ng marami.
Sana etong taon ay magbigay ng bagong pag asa. Lalo na sa mga nasalanta ng bagyo. Sana ay makabawi din sila, at makapgsimula ng bagong buhay. Sana rin ay magkaisa ng ang mga tao ngayong taon at huwag nang gumawa ng hindi maganda o mabuti. Hindi naman tayo pababayaan ng Maykapal kahit anung mangayari. Manalig lang tayo.

WORLD PEACE for all!

WL

No comments:

Post a Comment