Friday, January 06, 2012

Serendipity

Serendipity means a "happy accident" or "pleasant surprise"; specifically, the accident of finding something good or useful without looking for it.

"I super like this words, because it's always happening to me." This happens when you follow your innermost guidance; you don't know why you are doing the things you are doing; So, it turns out there was some specific purpose and pattern only the world can knew about..

Isang Kwento: Ang lungkot, pero dapat lang yung ginawa ko. Kasi may paniniwala ako. Hindi porket siya ang pinakamamahal mo eh pwede mo ng makasama. May mga bagay na kung ano ang na sa iyo ngayon, pahalagahan mo, hindi porket may dumating, iiwan mo na ito. Pero ano nga ba ang tama? Yung right person at the wrong time o wrong person at the right time. Mahirap din sagutin, dahil kanya kanyang rason yan. Hindi ako klase ng tao na, makakasakit ng tao para lamang sa pansariling kaligayahan. May mga oras na hindi mo dapat ipakitang nasasaktan ka di dahil sa wala kang karapatan.Kundi, Mali. Kasi, bigla ka na lang dumating at ngayon ay sasabihin ang mga bagay-bagay na dapat matagal na at noon nya kaylangan. Mga bagay na hindi mo pwedeng ipilit dahil lang sa alam mong lamang ka. Kasi may mga bagay na kaya mong ipaglaban pero siya mismo, hindi magawa dahil sa ayaw din niyang mangyari ang ayaw kong mangyari. (Hindi ako magulo, sadyang ganun talaga ang sinabi niya.)

Heto na: Tutal yun na din ang naging desisiyon ng bituin. At dapat kong initindihin yun. Ayoko naman na lumabas akong isang bulalakaw na tatama sa buwan para lang maging dahilan ng pagkakaroon ng sira o hindi magandang landing nito. Ayokong maging isang bulalakaw na bigla bigla na lang tatama sa kung saan saan. Itinigil ko na lang. Para sa ikabubuti ng mundo. Manhid na. Kasi napapagod din. Sana balang araw, maging maayos din ang lahat. Hindi man ipinaglaban ng bituin ang kanyan langit, at least, kahit sandali, naramdaman niyang may halaga din pala siya kahit na pinili niya ang buwan at iniwan ang langit.

Magulo. Kasi biglaan. Masaya na din kasi matatapos na din ito.

WL

No comments:

Post a Comment