Monday, February 18, 2013

When I Met You..


Dito magsisimula ang  panibagong buhay ko pagkatapos ng aking  pag-aaral sa kolehiyo. Ang matatawag kang napakagandang  simula.:D

May maganda kayang ala ala maiiwan sakin eto? Meron kaya akong makilalang mga kaibigang hindi ako iiwan kahit mghiwa hiwalay na kami? Meron kaya dito makakapagpabago ng paniniwala ko tungkol sa mga buhay buhay? Meron kaya si Clah clah na pasasayahin o mapapangiti.. ^O^

LOL. (agad?~~) Ayon.Nakatadhana  pala talaga ako sa Pancake House, Asian Hospital. Nagtatrabaho bilang osang  RSC o Restaurant Service Crew. Kung saan, tinulungan ako n g aking ate na makapasok, pero hindi ko aaminin dahil sa kanya kaya ako natanggap, kasi para sakin natanggap ako dahil magaling akong sumagot sa interview nung mga oras na yun. (haha syempre biro lang yun) Ayako kasi talaga dun nung una. Dapat kasi Last last year pa ako mgsisimula doon, kung hindi lang ako tumakas sa second interview kasi nabagot ako at sabi ko sa mama ko, magbabakasyon muna ako, kasi hindi pako nakakpgpahinga matapos ang  napaka-busy kong araw sa college at sa  naging ojt ko sa  isang hotel nuon. Nang mapadpad nako sa store, ung una sabi ko ano kaya feeling dito, marami kayang tao dito, nakakapagod kaya dito? O boring ba dito? Tulad ba dito sa dati kong pinagtrbahuan na Resto din na kung saan lahat ng ka-trabaho ko mababait at  sobrang malalahanin? Pala-kaibigan kaya sila? O Hindi masyado. Hehe.Hindi ako pala kaibigan nung mga oras na bago lang ako dun, or what I mean naman is Pala kausap, palabiro, ganun, nasunod lang ako sa utos, gingawa lang dapat gawin sa trabaho. Pagkatapos trabaho uwi agad, hindi tulad nila, minsan nagala, inum, hehe tinatamad kasi ako. LOL. Ayun, May mga naging ka-close naman ako, mgbabanggit ako ng  pangalan. Tulad nila Angelica, siga, alaskador, pero mabait at marunong makisama, hindi siya namimili ng kakaibiganin.. Siya yung una kong nakilala sa  ktrabaho ko, sa Head Office pa lang nung interview, doon ko siya nakilala. Lagi kami mgkasama, orientation, exam, maliban na lang nung nagstart na kami ng actual training at ma-deploy na mismo sa trabaho. Naging "medyo" ka-close  ko rin si Aries, na malapit lang din sa amin ang  bahay (medyo lang) nakakasabay madalas sa  jeep pag pauwi. Sweet syang tao, maalalahanin, mapagbiro at  marunong maisama din. Nagkakausap lang kami sa store. Yun lang, pag may gala nga lang sila, minsan o isang beses niyayaya ako, pero madalas, hindi talaga nila ako niyaya. Ang bad bad nilang mgttropa noh, 'Di 'ba Mat? hehehehe Oops, nabanggit ko agad name nya, hindi ko pa siya namemention. Hehehe!

So mali agad yung paragraph  ko kasi lumagpas na sya sa  dapat. Hehe, Sana dito perfect na. Pero may mga naging ka-close pa ako kasabay din nila. Ang madalas kong nakakasama pg breaktime o pag maaga nakauwi, kapag sabay ang oras namin, sila Ate Janeth, Ate puset (Suzette) Eric. Si Eric and madalas kong nakakaduty (kasabay sa duty) Si ate janeth o ate Zet. Nagppunta kami ng Festival, para Mag Mcdo, Gumala, at picture picture. ^o^ Masaya akong nakaksama sila. Hanggang sa Umalis na si ate Janeth, at Mis na miss ko na sya ngayon, di na sya malapit samin, kaya no connection na halos. Ang pumalit sa kanya na Si Ate Phom, At Ate Ella (na ngayon ay M'Ella) Sila ay mababait rin sakin. Much much ^o^ kaya love ko sila. Tapos, Ayun, Hanggang sa may bagong anghel sa store, Ibig ko po sabihin ay May preggy. 1.. tapos.. 2... tapos 3 na sila. Hehehe. Ninang ang tawag sakin.. Nakakatakot. Hehe. Namimis ko na din sila ngayon. Si  Migue (Mitch) na mataray, bully, pero sweet naman sakin pagdating sa pagkain. HAHA. Si Xildad na mataray din, ma pagka-bossy. Ayaw ng magulo, parang ako. Hehe. I mean ayako rin ng magulo, hindi ako yung magulo. XD  and si Angel nga, na pasaway na bata. Hehe.

Ayon, Masaya rin naman ako dahil nakilala ko sila habang tumatagal nga lang, minsan hindi nagiging ok, minsan ngkakaway away din. Pero until the end, magiging ok ang lahat. Ipakilala ko naman ang mga bosses ko. Unang una ang original sa Asian, Si M'Nette, Madam tawag sa kanya, minsan napaplingon ako kasi yun ang tawag ng mga best tropa ko nung college ako. Hehe. Or Mudra raw, pero Ma'am parin tawag ko sa kanya bilang pag-galang. Masitang tao, Pero ok lang yun, mas gusto ko yun. Malapit sa perfectionist. Optimistic, May pagka-pessimist din minsan. Yung mga ganung attitude  ok lang sakin. Parehas kami ng gustong kulay. Madalas ko sya binibigyan ng Food, o kahit ano mang naisipan kong ibigay. Hehe. Masaya kasi ako o natutuwa pag nkkapgpangiti ako ng tao dahil sa pagkain. Idol ko siya, kasi napakarami nyang alam sa trabaho, bukod na syempre yung matagal na sya. Beteran na. Susunod, si M'Sheryll.. Hindi ko po talaga alam kung bakit marami akong nababalitaan staff na ayaw sa kanya. Bukod siguro sa sobrang strict, tulad ng ayaw ng music o ngkwentuhan sa  kusina. Bwal na bawal ang cellphone sa duty. Kahit na sabihin ntn na bakit si ganito pwede, si ganyan ok lang basta mahina. Pag sya, bawal. Eh, hndi naman po lahat pareho pareho, Kung sakanila pwede, siguro sa kanya ayaw nya. Isipin na lang natin na para sa atin din yon kaya sya ganon. Paborito raw nya ako. LOL kahit bawal yun. Ewan ko lang. Minsan, Nasama loob ko sa kanya pg may pinagawa sya sakin na parang against ako. Pero ngssorry ako kasi ayakong  may nagagalit sakin. Pero minsan, pag ako ang tama, papanindigan ko yun, pero mgssorry ako. HEHE! >.< Happy ako naging visor ko sya, marami rin akong ntutunan sa kanya. At ang huling  visor ko ay, hmm, MT pala. Pero para sakin magaling sya. Si S'Raffy. Nung una, maraming may ayw din sa kanya, siguro sa pamamalakad, minsan nambabara kahit ako noon, di ko sya ganun nakakausap. Kasi seryoso nga ako eh haha. Si Sir, Mabait, Mapagkumbaba, standard.Flexible sa  trabaho, kahit walang opening dining at kitchen dati nga pati cashier wala. Mgeevolve lang sya, ok na. Kaso yun nga lang, hindi sya ganun kagaling sa kusina. Hehe. Dati kasi hindi ako nagising sa tamang oras. NAgising ako sa tym na sched ko. Tulad ng opening ako dapat  6 nandun nako, eh, 6am ako nagising, ayon, wala syang opener. Huhu. Buti di sya nagalit. Hehehe. Natatawa na lang sila sa hitsura ko nun. Namumula pa mata. Hehe text text pa ako, check op pala ako! >_< Para sakin hindi sa paborito, gusto ko sya ka-duty kasi bukod sa  may kasiyahang nagaganap, may kwentuhan kami na tungkol sa trabaho. Hindi plastik na tao. WAla kami pakelam kung may tropa tropa yung iba., basta kami kung ano ung  nanjan, gagawin. Hehe. MAsya akong nakilala ko ang  pinaka 3 boss na nakasama ko.Sana sa susunod na trbaho ko, gagawin ko kaung inspirasyon.

Dito na tyo sa pinaka main topic ko.---
Nung unang makilala ko sya.. Akala ko snob syang tao, boring, kasi napaka tahimik nya, pero totoo pala.. Hindi sya boring. Pero Snobber. (HAHAHA) Biro lang.. Pogi pogi pa. (^o^) Naks! Charming saka  Cute ng mata pag nakangiti. Oo, tahimik. Seryoso, parang ako, sa trabaho, seryoso, tahimik, may sariling mundo.Siya po ay si Matt.. Si matmat ko. Siya yung taong, mahal ko, minamahal ko ngayon at mamahalin bukas, at magpakailanman. Hehe. Kung mabasa man nya to, sorry. Na-iexpress ko lang to, kasi happy ako. Sweet sya. Hindi ko alam paano nagsimula, sa  dalas siguro naming magkasama sa duty, minsan magkausap, basta isang araw,  hehe. One time na magka-duty kami, yung tipong hindi ko aakalaing  bibigyan nya ako ng mga sweet na bagay. Yung candy na may message, sobrang kinikilig kaya ako nun, tapos syempre  bago pa yn, crush na crush ko sya. Hehehe. Isang kaibigan ko lang ang may alam non. Para naman pg knikilig ako,  hindi ako lang ung natawa mag isa diba. So pinipicturan at tinago ko ung bigay nyang yon. Syempre bumawi ako, naghanap din ako ng ganung candy. bumili ako isang pack sa  supermarket. Halos kinukwento ko sya sa bestfriend ko, si Jane and Leng. Hehe. Inaasar nga nila ako, ganyan, ganun daw, sabi ko na lang, "hindi ah, crush lang yun" XD hindi naman sa tuloy tuloy na yun. Pg ka-duty ko sya kinikilig ako pg nginingitian nya ako, ung tipong kinakausap nya ako, magkasama kami ganun, hanggang sa inaasar nila kami. Mga ganung bagay masaya nako. Tulad ng binibigyan ko sya ng food, (teka higa lang ako nangangalay na likod ko, o.O) tapos syempre para hndi halata na bbigyan ko sya ng food, bbigyan ko rin silang lahat. Hehe.XD Kasi pag ngumingiti sya, masayang masaya puso ko. ANg kyut kyut kaya nya. Hehe. >.< shy na tuloy ako! May mga oras din na pag hindi ko sa ka duty sad  talaga ako.. yung ganito =( :'( ayan. T.T Pero as long as makita ko sya. Pwede na.. Erm!! Siya lang yung taong nakapgpainom ng kape sakin, nakapagpakain ng burger, nakapgpakain sa mga resto na hindi ko kinakainan dahil sa  "baka hindi masarap"  Yung taong katulad ko na walang pakelam maubos pera basta sa pagkain mapupunta. Eh, hindi, Magastos din pla syang tao sa mga bagay na gusto nya bilhin, hehe :P Yung taong kaparehas  ko sa ibang mga bagay. Hindi ko po alam talaga paano nangyari na naging ganito kami ngayun, one time, na sabi ng utak ko, habang may oras pa, dapat  puntahan mo sya, anumang mangyari, masaktan ka man, o kung ano man, basta dapat  malaman nya, eh kaso sya kasi naunang nagsabing crush nya raw ata ako? Ewan ko lang ha kung yun nga pgkakasabi nya. Hehe, Oyy, nung sinabi nya  yun, kinlig ako, kaso ako kasi nung tym na yun, hindi ako ngpahalata na kinikilig. Hehehe. Baka sabihin na easy to get ako. LOL XD Natatawa na lang ako kasi pinuntahan ko sya nung tym na gusto ko sya makita, tinulugan ko naman sya. NGbabantay sya sa store nun may inaayos, ako kasi galing sa  bar, ayun hilo. Pero matino naman,. Saya saya ko kaso hinatid nya ako bahay. AYako dpat kasi gabi na non, grabe hinawakan nya kamay ko haha. Yung tym na un gusto kong tumawa ng  marami. Hehehe. >^_^< tapos hinitay nya ako sa bahay para ihatid ulit sa work. WAlang tulugan, hindi ko maimagine ngyari yung ganung bagay. Pero nung time na yun parang nangangamba ako sa ginawa ko, kasi, mali yun na  kasama ko sya. Mga sumunod na araw, lalo kaming ngng sweet, close. Hanggang sa  pinakilala ko sya sa mga close tropa ko. Hanggang sa  inaasar nako sa store. Kilig much. LOL. Hayy. 'pag naalala  ko yun, sabi ko, sarap sa pakiramdam. SAbihin na natin mabilis ang pangyayari, pero masya ako. Sana maging okey ang lahat. Andun yung kumakain kami sa iba't ibang  resto, gumagala kami kung san san, Minsan nga biglaan.  Hehe.

Sa mga gusto kong lugar. Lahat kinukuhanan ko ng litrato, kasi pag dumating ung tym na  mgtatago ako ng kayamanan, meron akong isang matatwag na  pinakakayaman ko na hindi mawawala. Habang buhay kong itatago at ipagmamalaki sa lahat ng taong pinakamamahal ko.. Na nakilala ko sya, ang taong pinaniniwalaan kong hindi ako iiwan, at taong andyan para sakin habambuhay.

Ipinakilala ko na din sya kay mama, ang unang  taong pinakilala ko ng personal. Nung Valentine's day. Ang naisip nya kasi na way para makapgpalit man lang ako n g damit eh yung dalan ng food sila mama sa bahay. Hala dami food  ang binili namin.. Hehehe. Tapos nagpaalam na lang kmi na lalabas kami para  kumain. Nakita ko nmn sa muka ni mama na masaya sya. Mejo di ko nga alam bakit ko naisip na  pakilala na sya. Eh kasi komportable naman ako. .Hmmm.. Kay papa, hehe tawa na lang ako. Sana maging ok ang lahat samin, yung hindi siya magtatago, hindi sya magaalinlangan.  Sana, kung ano kami ngaun, un kami habang pagtagal, yung masaya. Hindi ko alam kung anong tawag.


Sana maganda ang plano ni God sa akin. Anuman ibigay sakin ay tatanggapin ko. Salamat po at nakilala ko pa lalo ang sarili kong ito sa panibagong pangyayari ito.. Sa susunod muli..

 http://cmster.com/media/HXKoBHFKTv1YuqB3u1otEoeQxs8OqzLEjqDUZn3Y29i5miKZil4kc9Hb33zSJ1dc.jpg

♥PrincessYeon.Ü


2 comments:

  1. wow siguro isa to sa mga pinaka mahaba kong nabasa sa boong buhay ko XD ang ganda ng pangatlong paragraph galing baba yung "Sa mga gusto kong lugar." yan yung simula wew
    sana marami pa akong mabasa na ganito hehe im your no1 fan ^^ lover hehe

    i love you mwah ^^ miss you mwah

    -atobekeigo

    ReplyDelete