Sunday, August 24, 2014

Hay naku!

Ang pinaka ayokong palaging iniisip ng tao ay pera. Pera? Wala naman sigurong tao ang hindi namomroblema sa pera. Kahit saan tayo mag punta kailangan may pera. Gagala dapat may pera. Manliligaw dapat may pera, Mag-aaral dapat may pera. Pupunta sa mall dapat may pera. Nagkasakit ka, dapat may pera. Birthday, dapat may pera ka. Nagugutom ka, dapat may pera. Bored ka, dapat may pera. Nasa bahay ka lang, dapat may pera.Hay naku!

Kahit anong gawin mo, yun lagi dapat ang meron ka. Pag may pera ka, ano naman ang ginagawa mo?

Itatabi sa bangko
Ipambibili ng gamot
Ibibili ng pagkain
Pambayad ng tuition fee
Allowance ng mga anak
Ipangbibili ng cellphone
Magsshopping
Gagala with family
Inuman o Foodtrip with barkada
For emergency

Tama. Pero bakit problema pa rin nila ang pera?
Dahil sa utang. Bakit? Kasi di sapat ang natatanggap nating pera. Ano naman ang inuutang mo?

Kulang kasi pangtuition ng anak ko ngayong sem pang down lang, pwede bang pahiramin mo naman ako?

Ang mister ko kasi nasa ospital, sa katapusan pa ako susweldo kailangan daw makapagbayad kami within this week.

Dalawang buwan na ang kuryente namin, pag naputulan kami, madadagdagan yun gawa ng reconnection fee.

Kung nanay ka o tatay ka at may trabaho ka, asan po ang sinusweldo niyo?

Napupunta raw sa utang. So yung kinikita nyo po sa utang lang napupunta? Kaya uutang po kayo para may makain kayo.

Bakit nga ba ganun? Lubog na ang tao sa utang, pero makita mo mga gamit nila, ang gaganda. Magagarbo. Ang refrigerator puno ng pagkain, kada buwan may magarang damit, may bagong labas ng smartphone, meron agad. Kahit premium copy. Every sunday nasa bar. O mall nanunuod ng movie.

Sabagay tama nga yon luho sa sarili. Magpapahinga kasi nakakapagod sa trabaho,nakaka stress. Pero dapat bang tolerate natin mga sarili natin?
Yung bill mo sa kuryente at tubig alam mo nang overdue na. Mas pinili mong punuin yang ref mo ng kung ano anong. Pagkain nga,pero ahat ba yan angkop sa pangaraw araw nyo? Pag may bisita kayo, feeling maraming pagkain? Yung tipong iniisip nyo pg may magaganda kayong gamit ,sasabihin ng tao maunlad kayo. Habang mapputulan na kayo ng kuryente at tubig. PRIDE. At ang hindi alam ng tao eh marami kayong utang. Hindi ba mas maganda isantabi muna ang luho, at unahin natin ang mas importante. Pra khit papano mabawasan yung utang at ma minimize ang gastusin. Sa atin, Hindi nalaki ang sahod. Empleyado ka, may "minimum" parin ang pangalan ng sahod mo. Minimum wage at above minimum. Kahit businessman kapa, may utang ka pa rin. Kahit ang pinakamayamang tao sa mundo, may utang. Ang bansa nga natin, lubog sa utang. Yung hindi papinapanganak na sanggol may utang na.

Nagtataka ka bakit ganito. Ikaw tanungin mo sa sarili mo, bakit ganito?

Mga tao umaalis ng bansa, mangungutang para makaalis at makapagtrabaho sa ibang bansa para makasweldo ng malaki. Kapalit ay mawawalay sa kaibigan at kaanak.

Sa sobrang laki ng utang natin, pati tayong pilipino hindi umuunlad. Kasi puro tayo asa, tamad, inggit at ma-PRIDE. Wala akong masabi kundi puro bad noh? Saloobin ko lang. Yung magnanakaw, nagnanakaw para  ibenta yung gamit na nanakaw para makabenta. Uy, ang laki ng katawan niyo para gumawa ng ganon. Mas mabuti pa pulubi sa kalye maghapon nakaupo o nakatayo at namamalimos, mas ok pa yun kesa gumawa ng masama. Nagkapera ka nga galing sa masama, makakarma ka naman. Mas ok pa rin ang pinaghirapan. Ang iba naman, tambay mukhang gusgusin at di kumakain pero mamaya may dudukutin sa bulsa mo na bote  o plastic na may lamang rugby. Adik lang? Tapos napakalaki mo ng tao mamalimos ka ng barya at sasabihin pambili ng pagkain, pero sabihin niyo nga sa akin, pagkain na pala ang rugby at katol. :-/

Hindi ba kayo nahihiya, yung mga kabataan ngayon nag tatrabaho para makapagaral, kahit underage, hinahati ang kanilang oras sa eskwelahan, trabaho at paguwi ng bahay ay tutulungan ang kanilang magulang. Nagiibang bansa ang mga masisipag at matatalino nating kababayan, para saan? Para sa pera. Para makilala. Isa sa dahilan kung bakit hindi tayo  umuunlad. Yung mga magagaling nating kababayan na imbis na dito magtrabaho ay pumupunta sa ibang bansa. Pag dito, wala silang kasiguraduhan, kapag dito, hindi sila magtatagumpay, kapag dito, hindi sila yayaman at kapag dito, hindi sila mapapansin kasi may mga favoritism at kapit. INFERIORITY COMPLEX, isa sa definition nun. Kahit ang sweldo natin dito sa pinas a kapiranggot na tipong mas tumataas pa ang bilihin imbis na sweldo sa dami ng utang ng bansa eh ewan ko kung kailan magkakaroon ng salary increase!!

Kahit ako eh, gusto ko na mag ibang bansa, maraming dapat isakripisyo, pero kung para sa pamilya mo naman at sa sarili mo para lalong mapalawak ang aking nalalaman at karanasan. Bakit hindi?

TO BE CONTINUED..wait lng :P


posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment